NEW:  2010 NORTH RACE PRIZES 

UNITED  PIGEON   SOCIETY

MAC  ARTHUR  SPECIAL  RACE

 Mga Alintuntunin sa Karera ng  Mac Arthur, Leyte

 

1). Mga magkakalapati na pasok lamang sa 30km Radius ang puwedeng sumali sa karera at tinanggap ng Presidente ng UPS o kasapi o bumubuo ng kumite ng UPS Mac ArthurSpecial Race.

    MAC ARTHUR MINIMUM SPEED =  500m/m

2). Ang bawat set para makakuha ng Singsing (  1,000/set  ).

3). Para sa Pre-Qualifying Race, kailangang maipatala ang kasaling ibon sa alinmang

 sumusunod na lugar ( Matnog , Calbayog, Tacloban ). Ang hindi makapagsakay sa

 mga nasabing lugar  ay hindi na makakasali para manalo sa 2nd, 3rd at 4th Option.

Ang hindi nakapagpatala sa Pre-Qualifying Race ay puwedeng manalo lamang sa

unang option at hindi na makakasali sa susunod na mga options.

4). Unang Option Para Manalo sa Karera. Ang pinakamabilis na ibon na maorasan at hindi na cut-off ang siyang tatanghaling Kampeon sa Karera 

5). Pangalawang Option Para Manalo sa Karera. Ang  mapauwi na  ibon sa loob ng limang(5) araw magmula sa araw ng pagpapakawala at maitawag agad ang numero ng goma kay Bong Gutierrez. Magmula sa pagtawag ng numero ng goma, dalawang (2) ang ibibigay na palugit para maipakita ang goma at  ang  ibon sa  Presidente ng UPS,mga kumite ng  Mac Arthur Race at  sa mga tatawagang miembro  at  opisyales para maging saksi sa gagawing pagpapatunay ng numero ng goma at ibon ng nanalo. Ang unang tawag sa loob ng limang araw ang siyang tatanghaling panalo sa karera.

6). Pangatlong Option Para Manalo sa Karera. Ang pinakamabilis na ibon na naorasan sa Tacloban (600m/m). Ito ay susundin  kung walang mananalo sa una at pangalawang Option.

7). Pang-Apat na Option Para Manalo. Ang  pinakamabilis  na  ibon na  naorasan sa Calbayog (700m/m). Ito ay susundin kung walang mananalo sa una, pangalawa, at pangatlong Option.

8). Pang-Limang Option Para Manalo. Ang  pinakamabilis  na  ibon  na  naorasan  sa Matnog (700m/m).Ito ay susundin kung walang nanalo mula una hanggang pang-apat na option.